About This Site

This is the official blog of the Askals. You can check out gig schedules, music lyrics, and other infos about the band. Check out from time to time to see the latest news about the band. You can also check out some rants and worthless views of the individual contributors here on this site.
4/24/2006 08:29:00 AM

Lyrics:Anino ng Kahapon

Posted by Nightfall

Anino ng Kahapon
Words: Kino
Music: Askals


Hanggang ngayu'y
Parang sumpa
Nasa aki'y nakabalot

Sumisigaw na sa takot
Parang biktima ng salot
Sumasaglit sa 'king isipan
Isang pangyayari sa nagdaan

Aaah.. Ako'y gising
Ngunit para 'tong bangungot
Na nagpapahirap sa 'kin

Ngunit wala
Wala akong magawa
Kahit ibaon sa limot
Sumusulpot na tila
Usok na panakaw
Na pumapasok

Iniiwasan kong isipin
Pinasasaya ang damdamin
Ngunit kahit anong gawin
Ayaw akong patawarin

Ito ba ang konsensya
Na sa utak ko'y
Bumibisita
Ito ba ang sentensya
Na sa buhay ko'y ipinataw nya

Upang pagdusahan
ang isang kasalanan
Na minsan sa buhay
Ko ay nagdaan

Isang kasalananng gusto
Kong ilibing, ibaon
Sa habang panahon

Isang pangyayaring gusto
Kong burahin mula pa noon
Ngunit hanggang ngayon
Hanggang ngayon..

Bakit wala, walang babala
Parang anghel ng kamatayan
Na sa aki'y kumukuha

Kahit saan ako'y nasusundan
Parang apoy na kumakalat
Sa aking katauhan

Sumusunog na pala
Ng aking katinuan, Nag iiwan
Ng halimaw sa loob ng katawan
Ang anino ng kahapon
sa aking harapan
Isang kasalanan na ngayo'y
Pagbabayaran ko

Hanggang ngayo;y parang
Sumpa na sa aki'y nakabalot
Sumisigaw na sa takot
Parang biktima ng salot

Iniiwasan kong isipin
Pinasasaya ang damdamin
Ngunit kahit anong gawin
Ayaw akong... patahimikin!!

copyright © 1988-2006



0 comments:

Post a Comment